Ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanan na nagsimula noong
Hulyo 7,
1937 sa
Asya at
Setyembre 1,
1939 sa
Europa. Natapos ito hanggang
1945, at nasangkot ang karamihan ng mga bansa sa
daigdig at bawat
kontinente na may naninirahan. Tinuturing ito na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanan sa
kasaysayan ng sangkatauhan.Maaalalang ang mga bansang lumahok sa digmaan ay nagbuhos ng napakaraming pwersang militar upang lupigin ang bawat kalaban.