Ang
Ikalawang Sulat ni Pedro o
2 Pedro ay isang aklat sa
Bagong Tipan na isinulat ni
Apostol San Pedro. Kasama ng
Unang Sulat ni Pedro, nakalaan ang sulat na ito para sa mga Kristiyanong nasa
Asya Menor na nakaranas ng panliligalig ng ibang mga kababayan dahil sa bago nilang relihiyon, ang
Kristiyanismo, na ayon kay San Pedro ay ang "tunay na relihiyon". Isinulat ito ni San Pedro sa loob ng taong 66 at 67, habang nakabilanggo sa
Sinaunang Roma.