Ang
Iliada (
Ingles:
Iliad,
Kastila:
Iliada) ay isang
tulang epikang tungkol sa salaysay ng pagsakop ng mga
Griyego sa lungsod ng
Troy. Mula ito sa
Gresya, na isinulat ni
Homer, at tumatalakay sa mga pakikipagsapalaran ng mga bayaning Griyego noong kanilang kapanahunan. Ito ang pinakamaaga at pinakatanyag na akda mula sa panitikan ng Gresya. Hinango ang pamagat ng
Iliada mula sa
Ilium (o
Ilion), ang isa pang katawagan para sa
Troy. Itinuturing ang akdang ito bilang "
Bibliya" ng mga Griyego, sapagkat nakaimpluwensiya ng malaki sa kanilang mga kaisipan. Sinundan ito ng
Odisea, na si Homer din ang sumulat.