Ang
Imperyo ng mga Romano (Ingles:
Roman Empire) (
Latin: ) ang tawag sa
imperyalistang paghahari ng mga
Romano sa malaking bahagi ng
Europa,
Asya at
Hilagang Aprika, na may autokratikong porma ng pamahalaan. Sumunod ang Panahon ng Imperyong Romano sa 500-taong
Republika Romana (510 BC – siglo 1 BC) na pinahina ng alitan sa pagitan ng mga heneral katulad ni Gaius Marius at Sulla, at ng digmaang sibil ni
Julio Cesar (Julius Caesar) laban kay
Pompey. Maraming petsa ang iminungkahi kung kailan ito naging imperyo mula sa republika. Kasama rito ang pagtatakda kay Julio Cesar bilang habang-buhay diktador o
Diktador Perpetuidad (44 BC), ang pagwawagi ni Octavio (na tagapagmana ni Caesar), sa Labanan sa Actium (ika-2 ng Setyembre 31 BC), at paggagawad ng
Senadong Romano kay
Octavio ng kagalang-galang na pangalang Augusto (ika-16 ng Enero 27 BC).