Ang
Akkad (
Sumeryo:
Agade; Bibliya:
Accad) ay isang dating lungsod at ang rehiyong nakapalibot nito sa gitnang
Mesopotamia. Kilala ang mga mamamayan ng Akkad bilang mga
Akkadiano. Naging kabisera din ang Akkad ng
Imperyong Akkadiano at sumunod ng hilagang bahagi ng sinaunang Imperyong
Babilonya. Ang lungsod ay maaring matatagpuan sa kanlurang pampang ng
Eufrates, sa pagitan ng Sippar at
Kish (sa kasalukuyang
Irak, mga 50 km sa timong-kanluran ng gitnang
Baghdad). Sa kabila ng malawakang paghahanap, hindi pa rin matagpuan ang tiyak na kinaroroonan nito.