Sa pisikal na kosmolohiya, ang
kosmikong inplasyon (Ingles:
cosmic inflation, cosmological inflation o
inflation) ang tine-
teorisang labis na mabilis na
eksponensiyal na paglawak(expansiyon) ng sinaunang
uniberso sa paktor na hindi bababa sa 10
78 sa
bolyum na pinapatakbo ng isang negatibong-presyur na bakyum ng enerhiya ng densidad. Ang inplasyonaryong epoka (kapanahunan) ay binubuo ng unang bahagi ng epokang elektro-kahinaan kasunod ng epoka ng dakilang unipikasyon. Ito ay tumagal mula 10-36 segundo pagkatapos ng
Malaking Pagsabog (
Big Bang) hanggang sa pagitan ng 10-33 at 10-32 segundo. Pagkatapos ng yugtong implasyonaryo, ang uniberso ay patuloy na lumawak ngunit sa mas mababang tulin.