Ina ng Salambaw


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Ina ng Salambaw
Ang Ina ng Salambaw o Ina ng Salambao ay isa sa mga patron santo ng ObandoBulakan, pook na malapit sa MaynilaPilipinas. Siya rin ang santong pinagdadasalan ng mga mangingisda upang magkaroon ng mayamang huli. Hinango ang pangalan niya mula sa imahen ng Ina ng Imakuladang Konsepsiyong (Ina ng Malinis na Paglilihi) nahuli ng mga mangingisda sa pamamagitan ng kanilang lambat na salambaw. Ipinagdiriwang ang kaniyang kapistahan tuwing Mayo 19, kasunod ng araw ng pagdiriwang para sa dalawang pang mga santong pinipintakasi sa Obando, Bulakan: ang Mayo 17 para kay San Pascual Baylon at Mayo 18 naman para kay Santa Clara. Isinasagawa ang pagdiriwang para sa Ina ng Salambaw, at sa mga kasamang santo, sa Simbahan ng Obando o ang Pamparokyang Simbahang San Pascual de Baylon, nasa Barangay ng Pag-asa sa Bayan ng Obando. Kilala rin ang Ina ng Salambaw sa katawagang halaw sa Kastilang Nuestra Señora de Salambao.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.