Ang
Republika ng Indonesya (, o ), ay isang
bansa sa
Timog-silangang Asya. Ito ay binubuo ng 17,508 mga pulo, at ito ang pinakamalaking estado sa buong daigdig na binubuo ng isang
kapuluan. Tinatantiya na nasa 237 milyong katao ang populasyon ng Indonesya, na pang-apat sa mga pinakamataong bansa sa mundo, at ang pinakamataong bansang
Muslim; subali't walang opisyal na pananampalataya ang itinakda sa Saligang Batas ng Indonesya. Isang
republika ang Indonesya, na may inihahalal na tagapagbatas (lehislatura) at pangulo. Ang kabisera ng bansa ay ang
Jakarta. Pinapaligiran ang Indonesya ng
Papua Bagong Ginea,
Silangang Timor at
Malasya, at kinabibilangan rin ang
Singgapur,
Pilipinas,
Australya, at ang Kapuluang Andaman at Nicobar ng
Indiya bilang mga kalapit na bansa at teritoryo.