Indonesya


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Indonesya
Ang Republika ng Indonesya (, o ), ay isang bansa sa Timog-silangang Asya. Ito ay binubuo ng 17,508 mga pulo, at ito ang pinakamalaking estado sa buong daigdig na binubuo ng isang kapuluan. Tinatantiya na nasa 237 milyong katao ang populasyon ng Indonesya, na pang-apat sa mga pinakamataong bansa sa mundo, at ang pinakamataong bansang Muslim; subali't walang opisyal na pananampalataya ang itinakda sa Saligang Batas ng Indonesya. Isang republika ang Indonesya, na may inihahalal na tagapagbatas (lehislatura) at pangulo. Ang kabisera ng bansa ay ang Jakarta. Pinapaligiran ang Indonesya ng Papua Bagong GineaSilangang Timor at Malasya, at kinabibilangan rin ang SinggapurPilipinasAustralya, at ang Kapuluang Andaman at Nicobar ng Indiya bilang mga kalapit na bansa at teritoryo.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.