Ang
Inglatera (Latin:
Anglia, Ingles:
England) ay isang bansa sa hilagang-kanluran ng kontinente ng
Europa at ang pinakamalaki at papuladong bansa ng
Nagkakaisang Kaharian ng
Britanya at
Hilagang Irlanda. Ang mga tao dito ay bumubuo ng mahigit sa 85% na papulasyon ng Pinagkaisang Kaharian. Ang teritoryo ng Inglatera ay umuukupa ng halos 2/3 ng katimugan ng Isla ng Britanya at katabi nito ang
Scotland sa hilaga at
Wales sa may kanluran.