Ang
inhinyeriyang nukleyar ay isang larangan sa
inhinyeriya na humaharap sa paglalapat o paggamit ng pagkasira ng nukleyong atomiko at ng iba pang mga bagay-bagay na may kaugnayan sa pisikang sub-atomiko, na nakabatay sa mga prinsipyo ng
pisikang nukleyar. Kabilang dito ang interaksiyon at pagpapanatili ng mga sistema ng pisyong nukleyar at mga kumponente (mga sangkap) na katulad ng mga reaktor na nukleyar, mga planta ng
enerhiyang nukleyar, at mga
sandatang nukleyar.