Internet


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Internet
Tungkol sa Internet ang artikulong ito, ang malawak na computer network na maaaring gamitin ng publiko sa buong mundo. Mas pangkalahatang kataga ang isang internet para sa anumang magkakasamang magkakabit na mga computer network na pinagkabit sa pamamagitan ng internetworking.''
Ang Internet ay ang mga magkakabit na mga computer network na maaaring gamitin ng mga tao sa buong mundo. Naipapadala ang mga datos sa pamamagitan ng packet switching na gamit ang inayunang pamantayan na Internet Protocol (IP). Binubuo ito ng milyon-milyong pampribado, pampubliko, pampaaralan at pampamahalaan ng mga network na may lokal hanggang malawakang saklaw at pinagka-kaugnay sa pamamagitan ng mga kawad na tanso, kawad na fiber-optic, wireless na kuneksyon at iba pang teknolohiya. Dinadala nito ang mga iba't ibang impormasyon at serbisyo, katulad ng electronic mail, online chat, at magka-kaugnay na mga pahina ng web ng World Wide Web. Dahil ito ang pinakamalaki at pinakamalawak na internet (sa maliit na titik i) sa buong mundo, tinawag ito na ang Internet (sa malaking titik I).

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.