Ang
Internet Protocol (
IP), na
Protokolo ng Internet o
Protokol ng Internet sa pagsasalinwika, ay ang pangunahing protokolo ng komunikasyong ginagamit para sa pagpapasa ng mga datagramo (mga pakete) sa kahabaan ng isang internetwork na gumagamit ng
Internet Protocol Suite. Bilang may pananagutan o responsable sa pagruruta ng mga pakete sa kahabaan ng mga hangganan ng mga network, ito ang pangunahing protokolo na naglulunsad ng
Internet. Ito ang pangunahing protokolo sa
Internet Layer ng Internet Protocol Suite at may tungkulin gawin ang pagdadala ng mga datagramo mula sa pinanggalingang mga
host (literal na "tagapagpasinaya") papunta sa destinasyong
host na tanging nakaayon sa kanila mga adres o tirahan ng IP. Para sa ganitong layunin, nilalarawan ng IP ang mga paraan at mga kayarian ng pagbibigay ng adres o "tunguhan" para sa enkapsulasyon ng datagramo.