Ang
Republika ng Irak(
internasyonal:
Republic of Iraq; binabaybay rin na
Irak) ay isang bansa sa timog-kanlurang
Asya na sinasakop ang sinaunang rehiyon ng
Mesopotamya sa pinagsasaniban ng mga ilog
Tigris at
Eufrates pati na rin ang timog Kurdistan. Hinahanggan ito ng
Kuwait at
Arabyang Saudi sa timog,
Jordan sa kanluran,
Sirya sa hilagang-kanluran,
Turkiya sa hilaga, at
Iran sa silangan. May makitid itong seksyon ng baybayin sa Umm Qasr sa Golpo Persiko.