Si
Isaac ang nag-iisang anak nina
Abraham at
Sara, batay sa
Lumang Tipan o
Bibliyang Hebreo. Nangangahulugan ang kanyang pangalan ng "siya ay tatawa". Katumbas ito ng
Isjaq sa
Hebreo. Siya ang ama nina
Jacob at
Esau. Itinuturing siya bilang isa sa mga patriyarka ng
mga Hudyo. Ayon sa
Aklat ng Henesis, isangdaang taong gulang na si Abraham noong ipanganak si Isaac. Si Isaac ang may pinakamatagal na buhay sa lahat ng mga patriyarka. Nabuhay siya magpahanggang sa edad na 180 mga taon. Siya lamang ang natatanging patriyarkang hindi binago ang pangalan, at siya rin ang nag-iisang patriyarkang hindi umalis mula sa
Canaan, bagaman isang beses na sinubok niyang lumisan ngunit sinabi sa kanya ng Diyos na huwag gawin ito. Kapag inihambing sa iba pang mga patriyarkang nasa mga pahina ng Bibliya, hindi gaanong makulay ang kanyang kuwento. Bagaman isang pangunahing tauhan sa mga kabanatang 18 hanggang 27 ng
Aklat ng Henesis, naglalaman lamang ang mga ito ng iilang mga pangyayaring may kaugnayan sa kanyang buhay.