Ang
iskwalang panubok, tinatawag ding
iskwalang pansubok o
iskwalang pangsubok (Ingles:
try square, na minsang binabaybay bilang
tri square) ay isang
kasangkapang panggawaing kahoy, katulad ng sa gawain ng
karpintero, o kagamitang panggawaing metal na ginagamit sa pagmamarka o pagsusukat ng isang piraso ng
kahoy. Ito ay kasangkapang hugis L na may anggulong nasa degring 90 upang makatiyak na iskwalado o tumpak ang
anggulong tuwiran. Ito ang dahilan kung bakit may salitang
square (parisukat) sa pangalan nito sa Ingles na
try square; samantala ang
try ay may kaugnayan sa pagsubok sa isang kalatagan upang masuri ang katuwiran nito o pagkakatugma sa isang kadikit na kapatagan. Ang isang piraso ng kahoy, partikular na ang isang tabla, na
parihaba, patag (sapad), at ang lahat ng mga bingit (mga mukha, mga gilid, o mga dulo) ay may degring 90 ay tinatawag na "apat na parisukat" (
four square sa Ingles). Ang tabla ay kadalasang tinabas na may apat na tinabas natuwid na gilid (mga "parisukat na gilid") bilang paghahanda sa paggamit nito sa mga paggawa ng mga
muwebles o iba pang mga proyektong pangkahoy. Hinggil sa pagbabaybay ng
try square bilang
tri-square sa Ingles, ang
tri (tatluhan) ay maaaring tumukoy sa tatlong mga layunin ng kasangkapang ito, na: (1) upang tiyakin ang pagiging parisukat (iskwalado), (2) upang tiyakin ang pagkakapatag, at (3) upang maglapat ng mga guhit. Ang isang tradisyunal na iskwala ay mayroong isang malapad na talim o "dahon" na maaaring yari sa
asero o
tansong dilaw na nakatutop sa isang hawakang gawa sa kahoy. Ang loob ng tanganang kahoy ay pangkaraniwang may isang piraso ng aserong bakal o tansong dilaw na nakapirmi rito at tumpak ang pagiging nasa degring 90.