Ang
Israel at opisyal na kilala bilang
Estado ng Israel (Hebreo: מְדִינַת יִשְׂרָאֵל, Medīnat Yisrā'el; Arabiko: دَوْلَة إِسْرَائِيل, Dawlat Isrāʼīl) ay isang republikang
parlamento sa
Gitnang Silangan sa katimugang silangang baybayin ng
Dagat Mediterraneo. Ito ay nahahangganan ng mga bansang
Lebanon sa hilaga,
Syria sa hilagang silangan,
Jordan at
West Bank sa silangan,
Ehipto at
Gaza Strip sa timog kanluran at Gulpo ng Aqaba sa
Dagat Pula sa timog. Kasunod ng pagtanggap ng isang resolusyon ng United Nations General Assembly noong 29 Nobyembre 1947 na nagrerekomiyenda ng pagtanggap at implementasyon ng planong paghahati ng Mandatoryong
Palestina ng
United Nations, idineklara ni David Ben-Gurion na Ehekutibong Puno ng Organisasyong Zionista ng Daigdig at presidente ng Ahensiyang Hudyo para sa Palestina "ang pagkakatatag ng estadong
Hudyo sa Eretz Israel na kikilalanin bilang Estado ng Israel" noong Mayo 14, 1948. Ang mga kapitbahay na estadong Arabo ay sumakop sa Israel nang sumunod na araw bilang pagsuporta sa mga Arabong Palestino. Mula nito, ang Israel ay nakipagdigmaan sa mga kapitbahay na estadong Arabo na sa kurso nito ay sumakop sa
West Bank,
Peninsulang Sinai(sa pagitan ng 1967 at 1982),
Gaza Strip at Golan Heights. Ang mga bahagi ng mga teritoryong ito kabilang ang Silangang Herusalem ay idinagdag ng Israel sa mga teritoryo nito ngunit ang hangganan sa kapitbahay na West Bank ay hindi pa permanenteng nailalarawan. Ang Israel ay lumagda sa mga kasunduang kapayapaan sa Ehipto at Jordan ngunit ang mga pagsisikap na lutasin ang
alitang Israeli-Palestino ay hindi pa tumutungo sa kapayapaan. Ang populasyon ng Israel noong 2012 ayon sa Israel Central Bureau of Statistics ay tinatayang 7,941,900 na ang 5,985,100 nito ay mga Hudyo. Ang mga Arabong Israeli ang ikalawang pinakamalaking pangkat etniko na binubuo ng 1,638,500 (kabilang ang mga Druze at Bedouins). Ang ibang mga minoridad at denominasyong etno-relihiyon ay kinabibilangan ng Druze, Circassian, mga Itim na Hebreong Israelita, mga
Samaritano, mga Maronite at iba pa. Ang status quo ng relihiyon na inayunan ni Ben-Gurion sa mga partidong Ortodoksong Hudyo sa panahon ng deklarasyon ng independiyensiya ng Israel noong 1948 ay isang kasunduan sa papel ng
Hudaismo na gagampanan sa pamahalaan at sistemang hudikatura ng Israel. Ang Israel ang isa sa pinakamaunlad na bansa sa Timog kanlurang Asya sa pag-unlad ng ekonomiya at industriya at ang bansang may
pinakamataaas na pamantayan ng pamumuhay sa Gitnang Silangan.