Ang
Hainismo (mula sa Ingles na
Jainism) o
Jain Dharma (जैन धर्म) ay isa sa mga matatandang
relihiyon sa mundo na nagmula pa sa Antigong
India. Ang nagtatag ng Hainismo ay si Vardhamana na kilala bilang
Mahāvirā 599-527 B.C.) na sa edad na 30 ay nagwaksi ng kanyang pamilya at naging asetiko. Sa loob ng 12 taon, naging aktibo siya sa paghahanap ng katotohanan at lubos na nakapagtamo ng kamulatan habang nagninilay-nilay. Itinuro niyang ang lahat ng bagay sa daigdig, materyal man o hindi, ay may kaluluwa. Ang pagdadalisay ng kaluluwa ang layunin ng eksistensya, sapagkat ang dalisay na kaluluwa, minsang mapalaya mula sa katawan, ay makapamumuyhay sa walang-hanggang kaluwalhatian at malaya magpakailanman. Ang kadalisayan ay matatamo sa pamamagitan ng kaalaman at balanseng buhay. Itinaguyod din ng relihiyong Jainismo ang sukdol na asetismo,
pag-aayuno, yoga at iba pang awsteridad para sa layuning pagninilay-nilay o meditasyon. May limang panata ang sinusunod ng mga Hain:
- Ahimsa (kawalang-karahasan)
- Satya (katotohanan)
- Asteya (katapatan)
- Brahmacharya (kabirhenan)
- Aparigraha (karalitaan)