Si
Jose C. Abriol (
Pebrero 4,
1918 -
Hulyo 6,
2003) ay isang
Pilipinong pari ng
Simbahang Romano Katoliko, monsenyor, at
tagapagsalin ng
Bibliya mula sa
Pilipinas. Naging opisyal siyang kasapi ng
kaparian noong Mayo 14, 1942. Isinalinwika niya ang
Banal na Bibliya mula sa orihinal na
Hebreo at
Griyego. Bukod dito, naging rektor din siya ng
Katedral ng Maynila mula 1962 hanggang 1975, na kaalinsabay ng pagiging kansilyer (
chancellor) ng
Arkidiyosesis ng Maynila. Bihasa siya sa siyam na mga wika, sa
Kastila,
Latin, Griyego, Hebreo,
Italyano,
Ingles,
Aleman at
Tagalog (
Filipino). Ayon sa opisyal na websayt ng Metropolitanong Katedral ng Maynila sa Pilipinas, si Abriol ang una at nagiisang Pilipinong naparangalan bilang isa sa 2000 Bukodtanging Intelektuwal ng ika-21 Daantaon ng Pandaigdigang Lundayang Pangtalambuhay (Internasyunal na Sentrong Biyograpiko, o
International Biographical Centre, IBC) ng
Inglatera noong Pebrero 2003. Naglingkod siya bilang pari sa loob ng animnapung mga taon. Namatay siya sa edad na 85, limang buwan makalipas na matanggap ang kaniyang parangal. Itinuturing siya bilang isa sa mga "dakilang intelektuwal ng Simbahang Pilipino at ng mundo."