Si
Titus Flavius Josephus (37 CE – 100 CE), at tinatawag ring
Joseph ben Matityahu (Hebreong biblikal: יוסף בן מתתיהו,
Yosef ben Matityahu), ay isang Hudyong-Romano na historyan at hagiograpo noong unang siglo CE. Siya ay ipinanganak sa
Herusalem(na sa panahong ito ay bahagi ng Romanong Judea) sa isang ama a may pinagmulang
saserdoteng Hudyo at isang inang nag-aangkin ng ninunong maharlika. Sa simula ay lumaban siya sa mga Romano noong
Unang Digmaang Hudyo-Romano bilang pinuno ng mga pwersang Hudyo sa
Galilea hanggang sa siya ay sumuko noong 67 CE sa mga pwersang Romano na pinamunuan ni
Vespasian pagkatapos ng anim na linggong pagsalakay sa Jotapata. Inangkin ni Josephus na ang mga
Propesiya ng Bibliya tungkol sa
mesiyas na nagpasimula ng Unang Digmaang Romano-Hudyo ay nagbigay reperensiya sa pagiging emperador ng Roma ni
Vespasian. Bilang tugon, pinagpasyahan ni Vespasian na panatilihin si Josephus bilang bihag at tagasalin. Pagkatapos na maging emperador ni Vespasian noong 69 CE, kanyang pinagkalooban si Josephus ng kanyang kalayaan na sa panahong ito ay ginamit ni Josephus ang pangalang pampamilya ng emperador na Flavius. Itinala ni Josephus ang
kasaysayang Hudyo na may espesyal na pagbibigay diin sa unang siglo CE at ang Unang Digmaang Hudyo-Romano kabilang ang pagsalakay sa Masada ngunit ang kanyang pagtangkilik sa imperyo Romano ay minsang nagsasanhi ritong ilarawan bilang propagandang pro-Romano. Ang kanyang pinakamahahalagang mga akda ay ang
Ang Digmaang Hudyo (c. 75 CE) at ang
Mga Sinaunang Panahon ng mga Hudyo (c. 94). Ang
Ang Digmaang Hudyo ay nagsasalaysay ng paghihimagsik ng mga Hudyo laban sa pananakop ng mga Romano (66–70 CE). Ang
Mga Sinaunang Panahon ng mga Hudyo ay nagsasalaysay ng kasaysayan ng daigdig mula sa pananaw na Hudyo para sa mga mambabasang Romano. Ang mga akdang ito ay nagbibigay ng mahalagang kabatiran sa unang siglong
Hudaismo at ang konteksto ng Simulang
Kristiyanismo.