Si
Juan Martin Flavier (ipinanganak noong Hunyo 23, 1935) ay isang politiko sa Pilipinas. Dati siyang Sekretaryo ng Kagawaran ng Kalusugan at isang senador. Nagsanay siya bilang isang manggagamot at tumanggap ng degri sa medisina mula sa
Unibersidad ng Pilipinas noong
1960 at may Master sa Kalusugang Pampubliko mula sa Pamantasang Johns Hopkins. Bago maitalaga bilang Sekretaryo ng Kalusugan, naglingkod muna siya para sa mga mamamayan ng baryo sa
Nueva Ecija at
Kabite. Naging pangulo siya ng
Philippine Rural Reconstruction Movement noong 1977. Mula 1978 magpahanggang 1992, siya ang pangulo ng
International Institute of Rural Reconstruction.