Si
San Juan ang Alagad o
San Juan Apostol. Karaniwang inihahambing siya kay
Oseas, ang propeta sa
Lumang Tipan ng
Bibliya. Kung si Oseas ang siyang "propeta ng pag-ibig," si San Juan ang
Alagad ang tinatawag namang "santo ng pag-ibig." Isa siyang mangingisda, na kapatid ni
Santiagong Matanda; mga anak sila ni Zebedeo. Siya ang may-akda ng ikaapat na
ebanghelyo, ang
Ebanghelyo ni Juan, na nasa
Bagong Tipan ng
Bibliya, kaya nga kilala rin siya bilang
Juan ang Ebanghelista. Bukod sa pagiging
Juan ang Banal at
Juan ang Teologo, siya rin ang "ang alagad na minamahal ni
Hesus."