Ang
Kaamerikahan (Ingles:
The Americas, literal na "Mga Amerika") ay isang katagang ginagamit upang tukuyin ng superkontinenteng Amerikano: na kinabibilangan ng mga
kontinente ng
Hilagang Amerika,
Timog Amerika, at ng
dalahikan o tangway ng
Gitnang Amerika. Ang Kaamerikahan ay nasa Kanlurang Hemispero at sumasakop sa 8.3% ng kalatagan ng mundo. Sa katawagang Ingles na
The Americas, kailangang gamitin ang
the o "ang" sa loob ng isang buong pangungusap sapagkat ang
pangngalan "Amerika" ay nasa anyong maramihan o
plural form. Ang salitang
Amerikano ay karaniwang ginagamit upang mangahulugang isang tao o isang bagay mula sa
Estados Unidos. Ang mga tao at mga bagay na nagmula sa anumang mga bansa sa alinman sa Kaamerikahan -- Hilagang Amerika, Gitnang Amerika, Timog Amerika -- ay paminsan-minsang tinatawag na "Amerikano".