Ang
Kabundukang Carpatos o mga
Carpatos [bigkas:
KAR-pa-tos] (Ingles:
Carpathian Mountains o
The Carpathians) ay kabundukan na bumubuo ng isang hugis-arkong kulang-kulang na 1,500 km kahaba sa dako ng Gitna at Silangang
Europa, at dahil dito ay siyang ikalawang pinakamahabang kabundukan sa Europa (sumunod sa
Kabundukang Escandinavo). Kumukupkop ito sa pinakaraming bilang sa Europa ng mga
oso,
lobo,
usa at
pusa, na kung saan sa
Rumanya pinakalaganap. Ang mga Carpatos din ay nagtataglay ng mararaming mga pansol, sa kung saan ang Rumanya ay umaangkin sa 33% ng pangkalahatang bilang sa buong Europa.