Kaharian ng Judah


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Kaharian ng Judah
Ang Kaharian ng Judah (, Mamlekhet Yehuda) ay isang estado na itinatag sa Katimugang Levant noong panahon ng bakal. Ito ay kadalsang tumutukoy sa "Katimugang Kaharian" upang itangi it mula sa hilagang Kaharian ng Israel (Samaria). Ang Judah ay lumitaw bilang isang estado na malamang na hindi mas maaga sa ika-9 siglo BCE ngunit ito ay paksa ng labis na kontrobersiya sa mga skolar. Noong ika-7 siglo BCE, ang kabisera ng Kaharian na Herusalem ay naging isang siyudad na may populasyon na maraming beses na mas malaki bago nito at may maliwanag na pananaig sa mga kapitbahay nitong bansa na malamang bilang resulta ng kaayusang pakikipagtulungan sa mga Assyrian na nagnais na magtatag ng isang pro-Assyrian na estadong basalyo na kumokontrol ng isang mahalagang industriya. Ang Judah ay lumago sa ilalim ng pagkabasalyo ng Assyria sa kabila ng nakapipinsalang paghihimagsik laban sa haring Assyrian na si Sennacherib. Sa huli ng kalahataing ika-7 siglo BCE, ang Assyria ay biglaang gumuho at ang kinalabasang alitan sa pagitan ng mga Ehipsiyo at imperyong Neo-Babylonian para sa kontrol sa Levant ay tumungo sa pagkakawasak ng kaharian sa sunod sunod na mga kampanya sa pagitan ng 597 at 582 BCE, ang pagpapatapon sa mga elitista ng pamayanang Hudyo at ang pagsasama ng Lupain ng Israel bilang isang probinsiya ng imperyong Neo-Babylonian.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.