Kahariang Romano


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Kahariang Romano
Ang Kahariang Romano (Latin: Regnum Romanum) ay ang dating monarkiyang pamahalaan ng lungsod ng Roma at ng mga nasasakupan nito. Kaunti lamang ang natitiyak hinggil sa kasaysayan ng Kahariang Romano, dahil walang nasusulat na mga tala mula sa panahon nito ang naligtas, at nasulat ang mga kasaysayang tungkol dito noong panahon ng Republikang Romano at ng Imperyong Romano na batay sa alamat. Subalit, nagsimula ang kasaysayan ng Kahariang Romano noong pagtatatag ng lungsod ng Roma, na nakaugaliang pinaglalaan ng petsang 753 BK, at nagtapos sa pagkakatanggal ng mga hari at sa paglulunsad ng Republika noong mga 510 BK. Ito ang pinagmulan ng mga ninuno ng mga makabagong Romano.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.