Ang
Kalendaryong Gregoriano o
Talaarawang Gregoryano ay ang pinakasikat na kalendaryo sa kanluranin. Nagbuhat ito sa Kalendaryong Juliano at unang ipinanukala ng isang doktor na taga-Neapolitano na si
Aloysius Lilius. Pinagtibay ang paggamit ng kalendaryong ito ni
Papa Gregorio XIII (Ikalabing tatlo), na siya ring pinagmulan ng pangalan ng kalendaryong ito. Pinagtibay ito noong
Pebrero 24, 1981, gayumpaman ang bula ng
Santo Papa (ang
papal bull) - ang
Inter gravissimas - ay nalagdaan noong 1581 sa di-malamang kadahilanan at nailathala noong
Marso 1, 1582. May ibang bula ng papang hindi salungat sa taon ng pagkapapa at maging ibang taon.