Ang
Kali Yuga (
Devanagari: , literal na "Panahon ng
demonyong Kali", o "panahon ng bisyo") ang huli sa mga apat na yugto na pinagdadaanan ng mundo bilang bahagi ng siklo ng mga yuga na inilalarawan sa mga kasalutang Hindu. Ang ibang mga panahon ang
Satya Yuga, Treta Yuga atDvapara Yuga. Ang tagal at pasimula sa kasaysayan ng sangkatauhan ng Kali Yuga ay nagpalitaw sa iba't ibang mga interpretasyon. Ayon sa
Surya Siddhanta, ang Kali Yuga ay nagsimula ng hating gabi (00:00) noong 18 Pebrero 3102 BCE sa proleptikong Kalendaryong Huliyano o 14 Enero 3102 BCE sa proleptikong Kalendaryong Gregoriyano. Ang petsang ito ay itinuturing rin ng maraming mga Hindu na araw nang lumisan ang Panginoong
Krishna sa mundo upang bumalik sa kanyang tahanan. Maraming mga interpeter ng mga kasulatang Hindu ay naniniwalang ang planetang mundo ay kasalukuyang nasa panahong Kali Yuga. Ang ibang mga may akda gaya nina Swami Sri Yukteswar, and Paramhansa Yogananda ay naniniwalang ngayon ay isang tumataas na Dvapara Yuga na nagpapakitang ang mga lebel ng mga siklo sa loob ng bawat pangunahing panahong Yuga bilang nasa pag-unlad na ang mga mas maliliit na siklo sa loob ng mga siklo ay kalaunang hahantong sa buong pag-unlad ng mga kalidad ng mga panahon. Ayon kay Aurbindo Ghosh, ang Kali Yuga ay tapos na ngayon. Ang Kali Yuga ay minsang naiisip na tatagal ng 432,000 taon bagaman ang ibang mga panahon ng pagtagal ay iminungkahi rin.