Kanlurang Kristiyanismo


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Kristiyanismong Kanluranin
Ang Kristiyanismong Kanluranin ay bumubuo ng Simbahang Latin ng Simbahang Katoliko at mga denominasyong hinango mula dito kabilang ang Komunyong Anglikano, Lutheranismo, Presbyterianismo, Methodismo at iba pang mga tradisyong Protestante. Ang terminong ito ay ginagamit bilang pagsalungat sa Kristiyanismong Silanganin. Ang Kristiyanismong Kanluraning ay bumubuo ng mga 90% ng Kristiyano sa buong mundo. Ang Kristiyanismong Kanluraning ay umunlad at nanaig sa karamihan ng Kanluranin, Hilagaan, Sentral, Katimugan at mga bahagi ng Silanganing Europa, sinaunang Hilagaang Aprika, Katimugang Aprika at buong Australya at Kanluraning Hemispero. Kapag ginagamit sa mga panahong historikal simula ika-16 siglo, ang 'Kristiyanismong Kanluranin' ay tumutukoy ng magkasama sa Romano Katolisismo at Protestantismo lalo na sa mga aspetong pinagsasaluhan ng mga ito(halimbawa sa ritwal, doktrina, historikal at politikal) sa halip na sa mga aspeto ng pagkakaiba sa pagitan ng mga ito.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.