Kanser


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Kanser
Ang Kanser (Ingles: Cancer) na kilala sa medisina bilang malignanteng neoplasma ay isang malawak na pangkat ng iba't ibang mga sakit na lahat ay sumasangkot sa hindi na-regulang paglago ng selula. Sa kanser, ang mga selula ay naghahati at lumalago ng walang kontrol. Ang kanser ay maaari ring kumalat na tinatawag na metastasis sa mas malayong mga bahagi ng katawan sa pamamagitan ng sistemang limpatiko o daloy ng dugo. Hindi lahat ng mga tumor ay kanseroso. Ang mga tumor na benign ay hindi lumalago nang walang kontrol, hindi sumasalakay sa ibang mga kapitbahay na tisyu at hindi kumakalat sa buong katawan. Mayroon mga 200 iba ibang alam na mga kanser na dumadapo sa mga tao. Bukod sa tao, ang kanser ay isa ring pangunahing sakit ng mga alagang hayop(pets) kabilang ang mga aso at pusa. Sa isang pag-aaral, 45% ng mga asong umabot sa 10 taong gulang o mas matanda rito ay namatay sa kanser.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.