Ang
Kapuluang Hawayano o
Kapuluan ng Haway, dating kilala bilang
Kapuluang Sandwich, ay bumubuo ng isang
kapuluan ng 19 na mga
pulo at mga
karang, maraming mga mas maliliit na mga pulo, at pang-ilalim ng dagat na mga dagat-bundok na pagawi sa hilagang-kanluran sa pamamagitan ng timog-silangang sa Hilaga ng
Karagatang Pasipiko sa pagitan ng mga latitud na 19° N at 29° N. Kinuha ang pangalan ng kapuluan mula sa pinakamalaking pulo ng pangkat at umaabot sa mga 1,500 milya (2,400 kilometro) mula sa Pulo ng Hawaii sa timog hanggang pinakalagaha ng Karang na Kure. Hindi kabilang ang Karang na Midway, na hindi kasanib na nasasakupan ng
Estados Unidos, ang Kapuluang Hawayano ang bumubuo sa
Estado ng Haway ng Estados Unidos.