Ang Baleares, Kapuluang Balear, Kapuluang Baleares, o Kapuluang Baleariko (Kastila: Islas Baleares; Katalan: Illes Balears; Ingles: Balearic Islands) ay isang pangkat ng mga pulo at isa sa awtonomong pamayanan ng Espanya sa kanlurang Mediteraneo. Ang Palma ang kabisera nito. Ang mga pangunahing pulo nito ay Mallorca, Menorca, Ibiza, at Formentera.