Ang
Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas (
Ingles:
House of Representatives of the Philippines) ang mababang kapulungan ng
Kongreso ng
Pilipinas. Di-pormal itong tinatawag na
Kongreso. Tinatawag ang mga kasapi ng kapulungan na
mga kinatawan o
mga konggresista habang
Representative naman ang kanilang titulo. Ihinahalal sila sa upang maglingkod ng tatlong taon at maaaring maihalal nang tatlong beses sa pinakamarami. Maaaring kumatawan ang isang kinatawan sa isang heograpikong distrito o sa isang mahalagang sektor ng lipunan.