Ang
Karagatang Artiko o
Karagatang Arktiko, matatagpuan ang karamihan ng karagatan sa rehiyon ng
Hilagang Polo, ay ang pinakamaliit at ang pinakamababaw sa mga limang
karagatan ng mundo. Kahit na kinikilala ito ng IHO bilang isang karagatan, maaaring tawagin ito ng mga osyonagrapikong bilang
ang Artikong Dagat Mediteraneo o
ang Dagat Artiko, inuuring kasama sa isa sa mga
dagat ng Mediteraneo na
Karagatang Atlantiko. Natatakpan ng dagat yelo ang karamihan sa karagatan, sa panahon ng malalamig na mga buwan o sa buong taon.