Ang
Karagatang Pasipiko (mula sa salitang
Latin na
Mare Pacificum, na ang ibig sabihin ay
payapang laot, na iginawad ni
Fernando Magallanes eksplorador na
Portugues sa korona ng
Espanya) ay ang pinakamalaking
karagatan sa daigdig. Kinabibilangan ito ng isang katlo ng buong kalatagan ng
Lupa at may sukat na 179.7 milyon km² (69.4 milyon milya kwadrado). Ito ay umaabot ng mga 15,500 km (9,600 mi) mula sa
Dagat Bering sa
Karagatang Artiko hanggang sa mayelong lugar ng
Dagat Ross ng
Antartika sa timog. May kalaparang silangan-kanluran na mga 5 gradong H latitud, ito ay nakalatag mga 19,800 km (12,300 mi) mula
Indonesia hanggang sa baybayin ng
Colombia. Ang kanlurang hangganan ng karagatan sa kadalasan ay ang
Kipot ng Malaka. Matatagpuan ang pinaka-mababang dako sa mundo sa
Bambang ng Marianas sa ilalim ng Pasipiko. Ang Bambang ng Marianas ay nasa 10,911 metro (35,797 ft) mababa sa pantay laot
(sea level).