Si
Karl Heinrich Marx (
Mayo 5,
1818, Trier,
Alemanya –
Marso 14,
1883,
London,
Inglatera) ay
Prussian-
Aleman na
pilosopo, ekonomista, sosyologo, historyan, hornalista, at rebolusyonaryong sosyalista. Ang kanyang mga ideya ay gumampan ng isang malaking papel sa pagkakatatag ng
mga agham panlipunan at pagkakabuo ng kilusang
sosyalista. Itinuturing rin siyang isa sa pinakadakilang mga ekonomista sa kasaysayan. Siya ay naglimbag ng maraming mga aklat sa kanyang buhay na ang pinakakilala ang
The Communist Manifesto (1848) at
Capital (1867–1894). Malapit siyang nakipagtrabaho sa kanyang kaibigan at kapwa rebolusyonaryong sosyalistang si Friedrich Engels.