Kartang pamasko


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Kartang pamasko
Ang kartang pamasko, tarhetang pampasko, kard na pangkapaskuhan (Ingles: Christmas card) ay isang uri ng kartang pambati na ipinadadala sa isang tao bilang bahagi na nakaugaliang pagdiriwang ng Pasko. Ginagawa ang pagpapadala nito upang maiparating sa pinadalhang mga mamamayan ang damdaming kaugnay ng panahon ng Kapasakuhan. Kalimitang nagpapadalahan at nagpapalitan ng mga kartang pamasko ang mga tao sa panahon ng mga linggo bago supating ang Disyembre 25 na Araw ng Pasko. Kabilang sa mga nakikilahok sa kaugaliang ito ang mga hindi Kristiyano sa Kanluran man o sa Asya. Nakaugaliang pambati sa loob ng isang kartang pamasko ang may diwang "Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon." May iba pang mga hindi mabilang na pagkakasari-sari ng mga nakatitik at nakalimbag na mga pagbati, na naglalahad ng mga pagpapahalagang pangpananampalataya, tula, panalangin, o taludtod mula sa Bibliya.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.