Kartang pambati


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Kartang pambati
Ang kartang pambati o tarhetang pambati ay isang nakatiklop na kard, tarheta, o kartang may ginuhit na mga larawan na naglalaman ng mga pabatid na nagpapadama ng pagkakaibigan o iba pang damdamin. Maaaring seryoso o nakakatawa ang mga mensaheng pangkaibigigan, pangpag-ibig, kabutihang kalooban, pagtanaw ng utang na loob, pasasalamat, pakikiramay, at iba pang mga uri ng sentimyento. Kalimitan ipinadadala ang mga kartang pambati patungo sa pinaglalaanan sa pamamagitan ng koreo para gunitain ang isang natatanging okasyon o mahalagang kaganapan, katulad ng PaskoAraw ng mga Puso, at kaarawan ng isang tao. Karaniwang itong nakalakip sa isang sobre at nilalathala sa sari-saring mga moda. Mayroong mga gawa ng mga kumpanyang palimbagan at maramihan kung ilathala, samantalang mayroon din namang mga gawang-kamay. Kabilang sa mga halimbawa ng mga pangunahing tatak na taga-imprenta at tagapagbenta ng mga pangkalakalang mga kartang pambati ang Hallmark Cards at American Greetings.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.