Ang
Sayaw sa Obando ay isang pasayaw na pagdiriwang ng mga Pilipinong isinasagawa sa
Obando, Bulacan,
Pilipinas, sa pangunguna ng mga
Obandenyo. Bawat taon, sa buwan ng Mayo, sa saliw ng tugtugin ng mga instrumentong yari sa
kawayan, nagsusuot ang mga kalalakihan, kababaihan, at mga kabataan ng Obando ng mga tradisyonal na kasuotan upang sumayaw sa kalsadang sinusundan ng mga wangis ng kanilang mga pinipintakasing santo: sina San Pascual Baylon,
Santa Clara at
Nuestra Señora de Salambao (Ang Senyora ng Salambaw), habang umaawit ng kantang
Santa Clara Pinung-Pino.