Ang pwesto ng
Kataas-taasang Pinuno (
Persyano: رهبر انقلاب,
Rahbare Enqelāb, "Pinuno ng Himagsikan", o مقام رهبری,
Maqame Rahbari, "Kapangyarihang Pampamunuan") ay itinatag ng saligang batas ng
Republikang Islamiko ng Iran bilang pinakamataas na kapangyarihang pampolitika at panrelihyon sa bansa, sang-ayon sa konsepto ng
velāyat-e faqih. Ang titulong
"Kataas-taasang" Pinuno (Persyano: رهبر معظم,
Rahbare Moazzam) ay ginagamit bilang tanda ng galang, bagaman hindi ito nakasaad sa Saligang Batas.