Ang
Pangtimog na Kalahati ng Daigdig,
Pangtimog na Hati ng Mundo o
Pangtimog na Hati ng Globo (Ingles:
Southern Hemisphere) ay ang bahagi ng
Daigdig (Mundo) na nasa timog ng
ekwador. Tinatawag din itong
Katimugang Hemispero. Ang salitang "hemispero" (mula sa
Griyegong σφαιρα [espero o bilog]+ ημι [kalahati]) ay literal na may kahulugang 'kalahati ng bola' o 'kalahati ng bilog'. Ito rin ang kalahati ng
esperong selestiyal na nasa timog ng ekwator na selestiyal. Ang
Pangtimog na Hemispero ang naglalaman ng lahat o mga kabahagi ng apat na mga
kontinente (
Antarktika, Australia, karamihan sa mga bahagi ng
Timog Amerika at katimugang hati ng
Aprika), apat na mga
karagatan (
Timog Atlantiko,
Indiyano,
Timog Pasipiko, at
Pangtimog na Karagatan) at ang karamihang bahagi ng
Oceania. Ilang mga pulo na mula sa pangkontinenteng punong lupain ng
Asya ay nakapaloob din sa Katimugang Hemispero. Dahil sa pagkiling ng rotasyon o pag-inog ng Daigdig na kaugnay sa
Araw at sa tapyas na ekliptiko, ang
tag-araw ay magmula sa Disyembre hanggang sa Marso at ang
taglamig ay magmula Hunyo hanggang Setyembre. Ang Setyembre 22 o 23 ay ang
ekwinoks (panahon kapag ang araw at gabi ay magsinghaba) na
pangtagsibol (bernal) at ang Marso 20 o 21 ay ang ekwinoks na
pangtaglagas.