Ang salitang Katoliko (Ingles: Catholic) ay galing sa Griyegong salita na καθολικός (katholikos) na ibig sabihin ay Sanlibutan o kaya Unibersal. Ang terminong ito'y madalas ginagamit para sa Simbahan Katoliko Romano na ganap na kumunyon sa Obispo ng Roma, na binubuo ng Latin Rite at 22 pang ibang Katolikong simbahan sa Silanganl; ito'y madalas na ginagamit sa karamihan ng mga bansa.