Ang
Kazakhstan /ka·zaks·tán/ (Kasakistan; Kazakh: Қазақстан,
Qazaqstan;
Russian: Казахстан), na opisyal na tinutukoy na
Republika ng Kazakhstan ay isang transkontinental na bansa sa
Gitnang Asya. Sa sukat nitong 2,727,300 kilometro kuwadrado, na higit pa sa lawak ng
Kanlurang Europa, ito ang ika-9 na bansa na may pinakamalaking lupain at pinakamalaki naman sa mga bansang looban o lubos na napapalibutan ng kalupaan ang mga hangganan. Kahangganan nito, mula hilaga paikot sa kanan, ang
Russia,
China,
Kyrgyzstan,
Uzbekistan at
Turkmenistan, at malaking bahagi naman ng baybayin ng
Dagat Caspian ang nasa sa timog-kanluran nito. Kahit hindi nito kahangganan ang
Mongolia, may layong 38 kilometro lamang ito mula ang dulong silangan ng Kazakhstan. Binubuo ng mga
kapatagan,
kaparangan,
taiga,
kanyon,
burol, sabangan at mga kabundukang may
niyebe sa tuktok, hanggang sa mga
disyerto ang lupain ng bansa. Sa populasyong nitong 16.6 milyong katao, ang Kazakhstan ay ang ika-62 may pinakamalaking populasyon sa mundo, ngunit 6 na katao lang ang naninirahan sa bawat kilometro kuwadrado ng bansa. Ang kabisera nito ay inilipat noong 1998 sa
Astana, ang pinakamalaking lungsod ng Kazakhstan, mula sa
Almaty.