Ang
kebab ay isang ulam ng mga putol ng
karne o
gulay na tinutuhog. Sa mas mapaglarawang kahulugan, ang kebab (
kebap sa
Turko,
kabab sa
Iran,
Afghanistan,
India at
Pakistan, binabaybay din na
kebob,
kabob; Urdu: کباب ) na may kahulugang "inihaw na karne" o "karneng idinarang sa apoy" sa
Persiyano at Turko. Ang kebab ay karaniwang gawa mula sa karne ng
tupa o
baka. Kung minsan, ginagamit din ang karne ng
manok o
isda para sa ilang mga estilo. Ang karne ng
baboy ay hindi kailanman ginagamit ng mga
Muslim subalit ginagamit ng mga nagbebentang hindi Muslim. Ang mga Muslim ay hindi pinapahintulutang kumain ng baboy, dahil sa mga kadahilanang pangrelihiyon.