Ang
Kipot ng Calais o
Kipot ng Dover (
Ingles:
Strait of Dover;
Pranses:
Pas de Calais) ay ang pinakamakipot na bahagi ng
Bambang ng Inglatera. Ang pinakamaliit na awang sa kipot ay sa pagitan ng Timog Foreland (bandang Dover) sa
Inglatera at Cap Gris Nez (bandang Calais) sa
Pransya. Ang pagitan ng dalawang baybaying ito ay pinakasikat na daang nilalangoy ng mga
cross-channel swimmers dahil ang kalayuan ay umaabot lamang sa 34 kilometro.