Ikalawang Konsilyo ng Efeso, taong 449. Noong 449, nagpatawag si Teodosio II ng isang konsilyo sa Efeso, kung saan si Eutiques ay napawalang-sala at ibinalik sa kaniyang monasteryo. Ang konsilyong ito sa huli ay itinakwil ng Konsilyo ng Calcedonia at binsansagang Latrocinium ("konsilyong magnanakaw").