Kretaseyoso


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Kretaseyoso
Ang Kretaseyoso (Ingles: Cretaceous) (, ), na hinango mula sa Latin na "creta" (chalk), na karaniwang pinaikling K para sa saling Aleman nitong Kreide (chalk) ay isang panahong heolohiko mula . Ito ay sumusunod sa panahong Hurasiko at sinundan ng panahong Paleohene. Ito ang huling panahong ng era na Mesosoiko at sumasaklaw sa 80 milyong mga taon na pinakamahabang panahon ng era na Panerosoiko. Ito ay isang panahon ng relatibong mainit na klima na nagresulta sa isang mataas na mga lebel ng dagat na eustatiko at lumikha ng maraming mga mababaw na mga dagat na panloob ng lupain. Ang mga karagatan at dagat na ito ay napuno ng ngayong ekstinkt na mga reptilyang pang-dagat, mga ammonita, at mga rudista samantalang ang mga dinosauro ay nagpatuloy na manaig sa lupain. Sa parehong panahon, ang mga bagong pangkat ng mga mamalya at mga ibon gayundin ang mga namumulaklak na mga halaman ay lumitaw. Ang Kretaseyoso ay nagwakas sa isang malaking ekstinksiyong pang-masa na pangyayaring ekstinksiyong na Kretaseyoso-Paleoheene kung saan ang maraming mga pangkat kabilang ang mga hindi-ibon na dinosauro, mga pterosauro at malalaking mga reptilyang pang-dagat ay namatay. Ang huli nang Kretaseyoso ay inilalarawan ng hangganang K-Pg na isang lagdang heolohiko na nauugnay sa ekstinksiyong pang-masa na nasa pagitan ng mga era na Mesosoiko at Cenosoiko.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.