Si
Krishna (कृष्ण sa
Devanagari) ay ang Ikawalong
Avatara ni
Vishnu sa
Hinduism. Siya rin ang manipestasyon ng
Diyos sa pananampalatayang Bahá'í. Siya ang diyos na sinasamba sa maraming mga tradisyon ng Hinduismo sa loob ng sari-saring mga pananaw o perspektibo. Habang maraming mga pangkat na
Vaishnava ang kumikilala sa kanya bilang
avatar ni Vishnu, itinuturing siya sa ibang mga tradisyong nasa loob ng Krishnaismo bilang
svayam bhagavan, o Pinakamataas na Nilalang.