Ang
Krisis ng Ikatlong Daangtaon o
Krisis ng Ikatlong Siglo (tinawag ding "Anarkiyang Hukbo" o "Krisis Imperyal") (235–284 AD) ay isang panahon na kung saan ang
Imperyo Romano ay malapitán nang bumagsak sa ilalim ng mga magkasamang suliranin ng paglusob,
digmaang sibil, sakit, at
pagbagsak ng ekonomiya. Ang kriris ay nagsimula sa pagkamatay ni
Emperador Alexander Severus sa kamay ng kanyang sariling mga hukbo na naghudyat ng isang limampung-taong panahon na kung saan nagkaroon ng 20 hanggang 25 taong umangkin sa titulo ng
Emperador Romano. Sa panahong 258-260, ang imperyo ay nahati sa tatlong nagtutunggaling mga estado, isa aya ang Imperyong Galliko na binubuo ng mga
lalawigang Romano ng Gaul, Britannia, at Hispania; at ang Imperyong Palmyrene na binubuo ng mga silangang lalawigan ng Syria Palaestina at Aegyptus na kung saan ang dalawang mga estadong ito ay naging malaya sa Imperyong Romano na nakatuon sa Italia at nasa pagitan nila. Ang krisis ay natapos sa pagiging Emperador ni
Diocletian.