Kristiyanismong Pangsilangan


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Silangang Kristiyanismo
Ang Silangang Kristiyanismo ay binubuo ng mga tradisyon at simbahan na umunlad sa mga Balkan, Silangan Europa, Asya menorGitnang SilanganAprikaIndia at mga bahagi ng Malayong Silangan sa loob ng mga siglo ng sinaunang panahon ng Kristiyanismo. Ang terminong ito ay pangkalahatang ginagamit sa Kanlurang Kristiyanismo upang ilarawan ang lahat ng mga tradisyong Kristiyano na hindi umunlad sa Kanlurang Europa. Sa gayon, ang terminong ito ay hindi naglalarawan sa anumang isang komunyon o karaniwang tradisyong pang-relihiyon at sa katunayan, ang ilang mga "silangang" simbahan ay may higit na pagkakatulad sa "kanlurang" Kristiyanismo sa kasaysayan at teolohiya. Ang mga terminong "Silangan" at "Kanluran" sa bagay na ito ay nagmula sa mga pagkakabahagi sa Simbahan na sumasalamin sa paghahating pangkultura sa pagitan ng silangang Helenestiko at kanlurang Latinado at paghahating pangpolitika sa pagitan ng Silangang Imperyo Romano at Kanlurang Imperyo Romano. Dahil ang pinamakapangyarihang simbahan sa Silangan ay nakilala bilang Simbahang Silangang Ortodokso, ang terminong "Ortodokso" ay kadalasang ginagamit sa isang katulad na maluwag na paraan bilang "Silangan" bagaman sa pagsasalitang strikto, ang karamihan ng mga simbahan ay tumuturing sa kanilang bahagi ng Ortdokso at komunyong Katoliko.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.